Si Don ay apat na pot limang taong gulang manananggol at mayroon dalawang pot limang taong karanasan sa pakikibaka at
pangtatangol sa ating mga pangkataong batas, para mapaganda ang katayuan ng ating buhay, at kabuhayaan, kasama ang ating
buong pamilya. Si Don ay matagal ng nakatira sa Vancouver/Kingsway. Gusto niyang magkaroon ng matatag at malakas na
tagapagsalita para maibalik ang respeto sa demokrasya sa ating lugar.
Si Don ay nag-aral at nagtapos sa Unibersidad ng Alberta. Nakamit niya ang dalawang diploma,una sa political science at
pangalawa sa pagiging abogado. Pagkatapos ng kanyang pag-aaral,nagsilbi siya sa isang malaking kumpanya ng batasan.
Noong 1989 siya ay natangap na miembro ng Alberta bar. Pagkatapos noon, nagtrabaho siya bilang taga siyasat at naging
ayudante ng pinuno ng oposisyon ng mambabatas ng Alberta.
Sa kanyang tungkulin , nadama niya ang tunay na pangangailangan ng mga tao para maintindihan ang mga batas na kailangan
ng mamamayan para sa kanilang kabutihan. Nagsimula siyang magsulat ng mga batas na makatutulong sa mga tao.
Noon, 1991, si Don at ang kanyang pamilya ay bumalik sa Vancouver. Mula ng 1992, siya na ang director ng legal resources
ng Teamsters Canada (Local 31)
Sa kanyang tungkulin, si Don ay tagapagtangol ng pangkataong batas, ng kaligtasan at seguridad ng mga mangagawa-.
Naipanalo niya ang mahigit na isang-daang kaso at nakakuha ng milyon-milyon at naibalik ang maga pera sa mga mang-gagawa
at sa kanilang pamilya.
Si don ay nagtrabaho din sa ngalan ng mga komersiante para magkaroon ng magandang pakikitungo ang mga amo at mga mangagawa.
Si Don ay aktibo sa kumonidad. Nagrerepire siya sa hockey at taga-pagsalita ng Co-op radio na tumutulong sa Variety,
the Children Charity.
Sa kasalukuyan, siya ang pinuno ng Parent Advisory Council ng Mount Pleasant School at Direcktor ng
Meredian Cultural Society, ang walang patubong organisasyon, na nagbibigay tangkilik sa pag-aalaga ng mga bata,
sa simbayan, at sa mga taong walawg matirahan. Kasapi din siya sa Dickens Community Group at kasali din siya ng
local community crime prevention program.
Si Don ay 23 taon na kasal kay Sheryl Palm, speech pathologist sa Children Hospital. Sila ay may tatlong anak si
Jaime, Jordan at Cerys.