Mga Kinakailangang patnubay para maging karapat-dapat
Ang pagiging karapat-dapat para sa CDCP ay batay sa ilang pamantayan. Sa kasalukuyan, pinalalawak ang programa para sa mga nakatatanda, mga bata na wala pang 18 taong gulang at mga taong may kapansanan. Sa kalaunan, lahat ng mga Canadian na tumutugon sa sumusunod na pamantayan ay magiging karapat-dapat:
- Walang pribadong insurance/walang employer insurance
- Pinagsamang netong sahod ng magasawa na mababa sa 90,000
- Naninirahansa a Canada para sa layunin magbayad ng buwis
- Nakapagbayad ng buwis noon nakaran taon
Tandaan: Ang mga residente ng Canada na may access sa dental coverage sa pamamagitan ng isang sosyal na programa na iniaalok ng isang lalawigan o teritoryo at/o ng pederal na pamahalaan ay maaari pa ring maging karapat-dapat para sa CDCP kung natutugunan nila ang lahat ng pamantayan sa pagiging karapat-dapat.
Proseso ng Aplikasyon:
Ang mga aplikasyon ay bubuksan sa mga yugto, na magsisimula sa mga nakatatanda na 87 taong gulang pataas sa Disyembre 2023, na sinusundan ng iba pang mga pangkat ng edad hanggang kalagitnaan ng 2024. Ang mga karapat-dapat na indibidwal na 70 pataas ay makatatangap ng sulat na may code ng aplikasyon at mga tagubilin. Ang mga online na aplikasyon para sa iba pang mga grupo ay magagamit simula Mayo 2024.
Grupo |
Bubuksan ang Aplikasyon |
May edad na 87 taong gulang pataas |
Ang Simula Disyembre 2023 |
May edad na 77 hanggang 86 |
Ang Simula Enero 2024 |
May edad na 72 hanggang 76 |
Ang Simula Pebrero 2024 |
May edad na 70 hanggang 71 |
Ang Simula Marso 2024 |
May edad na 65 hanggang 69 |
Ang Simula Mayo 2024 |
Mga matatanda na may kapansanan/Disability Tax Credit certificate |
Ang Simula Hunyo 2024 |
Mga bata na wala pang 18 taong gulang |
Ang Simula Hunyo 2024 |
Lahat ng karapat-dapat na mga Canadian |
Sa pagdating ng Taung 2024/2025 |
Petsa ng Pagsisimula ng Coverage:
Ang coverage sa ilalim ng CDCP ay magsisimula nang maaga pa sa Mayo 2024, na ang mga nakatatanda ang unang pangkat na karapat-dapat. Ang aktwal na petsa ng pagsisimula sa pag-access sa oral health care ay depende sa partikular na grupo kung saan ka nabibilang, sa timing ng iyong aplikasyon, at kung kailan mapoproseso ang iyong pag-enroll.
Ano ang Matatanggap Mo Pagkatapos Maging Karapat-dapat:
- Detalyadong impormasyon tungkol sa CDCP.
- Ang iyong personalized na member card.
- Ang petsa kung kailan magsisimula ang iyong coverage.
Mga Serbisyong Sakop:
- Mga preventive service, kabilang ang scaling (paglilinis), polishing, sealants, at fluoride
- Mga diagnostic service, kabilang ang mga eksaminasyon at x-rays
- Mga restorative service, kabilang ang mga filling
- Mga endodontic service, kabilang ang root canal treatments
- Mga prosthodontic service, kabilang ang mga kumpleto at bahagyang removable dentures
- Mga periodontal service, kabilang ang deep scaling
- Mga oral surgery service, kabilang ang mga extraction *Pakitandaan na ang ilang serbisyo ay magiging available lamang sa taglagas ng 2024.
Mga Co-Payment:
Pinagsamang Netong Kita Ng Magasawa |
Saklaw ng CDCP sa Gastusin |
Babayaran ng miyembro |
Mas mababa sa $70,000 |
100% ng mga gastos sa karapat-dapat na oral health care service sa itinakdang bayarin ng CDCP. |
0% |
Sa pagitan ng $70,000 at $79,999 |
60% ng mga gastos sa karapat-dapat na oral health care service sa itinakdang bayarin ng CDCP. |
40% |
Sa pagitan ng $80,000 at $89,999 |
40% ng mga gastos sa karapat-dapat na oral health care service sa itinakdang bayarin ng CDCP. |
60% |
Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring sumangguni sa www.Canada.ca/Dental habang lumilipas ang panahon. Ito ang magiging pinakabagong pinagkukunan ng impormasyon tungkol sa proseso ng aplikasyon.